All things are different
Friday, May 25, 2012
May naalala lang ako =))
Several years ago, when my age was still a single digit number, may nangyari na isang mahiwagang toothbrush story sa aming magkapatid. There was a time na nagreklamo si ate sa nanay ko noon about sa toothbrush niya. Parang hindi daw kasi nalilinis ng toothbrush niya yung bibig niya at hindi daw talaga swabe sa pakiramdam. Siyempre, waley pakels ako sa sinasabi niya dahil ano namang care ko sa bibig niya, 'di ba?
Isang araw, pumasok yung kapatid ko sa banyo habang naliligo ako. Well, okay lang naman saken kasi widely open talaga ang pinto ng banyo kapag naliligo ako noon. While doing my bath routines, nagulat ako kasi bigla niya na lang akong sinigawan ng "ALL THIS TIME E GINAGAMIT MONG PANG-GANYAN ANG TOOTHBRUSH KO, KRISTINE?"
Aba. Kasalanan ko bang magkasingkulay ang toothbrush niya at ang toothbrush na ginagamit kong panghilod sa paa, 'di ba?
Labels: tangina this